Peter Ilyich Tchaikovsky

From Wikipedia, the free encyclopedia

Peter Ilyich Tchaikovsky
Remove ads

Si Pëtr Il’ič Čajkovskij, na binabaybay din bilang Pyotr Ilyich Tchaikovsky o Peter Ilyich Tchaikovsky (Siriliko: Пётр Ильич Чайковский) (7 Mayo 1840–6 Nobyembre 1893) ay isang kompositor na Ruso ng panahong Romantiko.

Thumb
Si Peter Ilyich Tchaikovsky.

Talambuhay

Si Tchaikovsky ay naging dalubhasang kompositor sa edad na 14. Noong 1862 nagsimula siyang mag-aral sa New St. Petersburg Conservatory at mula noong 1866, nagturo siya sa konserbatoryo ng Moscow. Ang kanyang Piano Concerto No. 1 (1875) ay unang naipalabas sa Boston at naging popular noong panahong iyon. Isinulat niya ang kanyang unang ballet, Swan Lake (unang ipinalabas noong 1877), sa komisyon mula sa Bolshoi Ballet. Noong 1877, nakatanggap siya ng komisyon mula sa isang mayamang patron at naging tagasuporta na si Nadezhda von Meck. Ang kanyang opera na Eugene Onegin (1878) ay sumunod sa pagkalikha.[1]

Bagama't homosekwal, siya nagpakasal sa isang babae at pagkatapos ng tatlong buwan, sinasabing sinubukan niya ang pagpapakamatay. Dahil dito, hindi gaanong nakapukaw sa mga kritiko at mga mahaharlikang tao ang kanyang mga nalikhang komposisyon. Ito ay dahil nakakaapekto na ang imahe ng kanyang personal na buhay sa kanyang karera. Ang kanyang ikalawang ballet, "Sleeping Beauty" (1889), ay sinusundan ng kanyang opera sa pangalang "the Queen of Spades" (1890) at ang kanyang sikat na ballet na "the Nutcracker" (1892). Ang Pathétique Symphony (1893) ay sinundan ng apat na araw bago ang kanyang kamatayan mula sa kolera.[1][2]

Remove ads

Impluwensiya sa musika

Binago niya ang genre ng ballet sa pamamagitan ng pagbabago nito mula sa isang engrandeng pandekorasyon na kilos sa isang itinanghal na drama sa musika. Ang kanyang musika ay palaging may mahusay na popular na apela dahil sa mga mahilig, matapang na melodiya, kahanga-hangang mga harmonya, at makulay, kaakit-akit na orkestrasyon.[1]

Mga Piniling Gawa

  • Piano Concerto No. 1 - Ginawa ni Tchaikovsky noong 1875 at itinugtug sa Boston. May sabi-sabi na hindi kagustuhan ni Nikolay Rubinstein na tutugin ito pero si Hans von Bülow ay pumayag at nagustuhan ang musikang ito.[3]
  • 1812 Overture - Ginawa noong 1880, ito ay ikinumisyon para sa pagmamarka ng konsekrasyon ng bagong Katedral ng Hesukristong Ating Tagapagligtas. Ito rin ay nagsilbing pasalamat sa pagwagi ng bansang Rusyo sa bansang Pranses.[4]
  • The Nutcracker - Isang ballet na ginawa ni Tchaikovsky mula 1891 hanggang 1892. Ito ay ikinumisyon ni Ivan Vsevolozhsky, Direktor ng Russian Imperial Theaters.[5]

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads