Quezon's Game
Pelikula mula Pilipinas noong 2018 From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Quezon's Game ay isang makasaysayang pelikula ng Pilipinas noong 2018 na dinerekta ni Matthew Rosen. Nakasentro ang pelikula kay Manuel L. Quezon, dating Pangulo ng Pilipinas, at ang kanyang plano na tumanggap sa Pilipinas ng mga Hudyong tumakas mula sa Alemanyang Nazi noong panahon ng Ika-2 Digmaang Pandaigdig.
Remove ads
Saligan
Noong 1938, kumilos ang Pangulo ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon, ang hinaharap na Pangulo ng US na si Dwight Eisenhower kasama ang iba pang mga kilalang tauhan upang iligtas ang mga Hudyong tumakas mula sa Alemanyang Nazi. Samantalang hinarap ni Quezon ang pagbalik ng kanyang tuberkulosis.[1]
Mga tauhan
- Raymond Bagatsing bilang si Manuel L. Quezon
- Rachel Alejandro bilang si Aurora Quezon
- Kate Alejandrino bilang si María Aurora "Baby" Quezon
- David Bianco bilang si Dwight D. Eisenhower
- James Paoleli bilang si Paul V. McNutt
- Jennifer Blair-Bianco bilang si Mamie Eisenhower
- Audie Gemora bilang si Sergio Osmeña
- Billy Ray Gallion bilang si Alex Frieder
- Tony Ahn bilang si Herbert Frieder
- Miguel Faustmann bilang si Douglas MacArthur
Remove ads
Produksyon
Ang Quezon's Game ay isang pinagsamang produksyon ng Star Cinema iWant,[2] at Kinetek.[3] Idinerekta ang pelikula ni Matthew Rosen, isang Britanikong-Hudyo,[4] at US$500,000 ang laang-guguling pamproduksyon ng pelikula. Tumatakbo ang kinulayang pelikula nang 125 minuto at isinapelikula sa Ingles, Espanyol, at Tagalog. Natapos ang produksyon sa 15 Oktubre 2018.[1] Naglaan si Rosen ng tatlong buwan sa pagkalap lamang para sa pelikula.[4]
Responsable sina Lorena at Matthew Rosen para sa orihinal na ideya ng kuwento ng pelikula habang sinulat ni Janice Y. Perez at Dean Rosen ang senaryo. Isinagawa ang pelikula upang magpahiwatig ng isang di-masyadong kilalang salaysay ni Pangulong Manuel L. Quezon na nagligtas sa mga Hudyong refugee mula sa Holocaust at pansamantalang nagbigay sa kanila ng silungan sa Pilipinas. Ikinahirap ng mga manunulat noong panahon ng pananaliksik ng Quezon's Game ang kakulangan ng mga Pilipinong makasaysayang manuskrito na nagtatalakay sa makasaysayang salaysay. Sumangguni sila sa mga tesis at disertasyon na ginawa ng mga Amerikano pati na rin mula sa sulat sa mga inapo ni Alex at Herbert Frieder na nagkaroon ng malaking papel sa plano ni Quezon.[5]
Nalaman ni Rosen, isang imigrante na lumipat sa Pilipinas noong dekada 1980, sa plano ni Pangulong Quezon pagkatapos niyang malaman na alam ng kanyang aswang Pilipina ang mga liriko ng "Hava Nagila" at nakaaawit ang mga lokal na bata ng kantahing-bayan na iyon kahit wala man lang nakaaalam sa kanila sa kanyang Hudyong pinagmulan. Nagsimulang magtanong si Rosen sa sinagoga at ang kanyang museo sa Maynila noong 2009 na humantong sa kanya na malaman ang plano ni Pangulong Quezon para sa mga Hudyong tumatakas mula sa Alemanyang Nazi.[6]
Paglabas
Inilabas ang Quezon's Game sa mga iba't ibang pandaigdigang pagdiriwang ng mga pelikula bago ang madulang paglabas nito. Inilabas ito sa Ottawa, Canada bilang bahagi ng gala ng 2018 Cinema World Festival bilang isa sa mga nanalong pelikula ng 2018 Autumn Selection.[2] Naging entrada rin ito sa IndieFEST Film sa California, at sa WorldFest-Houston International Film Festival sa Texas.[7]
Bilang bahagi ng pagtaguyod ng pelikula, ginanap ang isang VIP screening noong 7 Mayo 2019 sa Power Plant Mall sa Makati kung saan ipinakita rin ng ABS-CBN ang mga bidyeong panayam ng mga Nakaligtas sa Holocaust na si Margot Pins Kestenbaum at Max Weissler na kapwang ipinakubli sa Pilipinas na naninirahan na ngayon sa Israel.[7] Ang madulang paglabas ng pelikula sa Pilipinas ay noong 29 Mayo 2019.[4]
Remove ads
Resepsyon
Nanalo ang pelikula ng hindi bababa sa 20 mga parangal bilang isang entrdada sa iba't ibang mga pandaigdigang pagdiriwang ng pelikula.[7] Noong Enero 2019, nanalo ang Quezon's Game ng 12 parangalan sa Cinema World Fest Awards sa Ottawa, Canada.[2][8][8]
Remove ads
Tingnan din
- Listahan ng mga pelikulang Holocaust
- Schindler's List
- Heneral Luna
- Bonifacio: Ang Unang Pangulo
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads