Reporma sa lupa
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang reporma sa lupa (repormang agraryo din, bagaman ito ay may mas malawak na kahulugan) ay kinakasangkutan ng mga pagbabago sa batas, alituntunin, o kalakaran hinggil sa pagmamay-ari ng lupa.[1] Maaring binubuo ang reporma sa lupa ng muling pamamahagi ng mga ari-arian na sinisimulan o sinusuportahan ng pamahalaan. Sa pangkalahatan, ang ari-arian na binabahagi muli ay mga lupaing pansaka. Samakatuwid, ang reporma sa lupa ay maaring tumukoy sa paglipat ng pagmamay-ari mula sa mas may makapangyarihan sa di-gaanong makapangyarihan o walang kapangyarihan, katulad ng mula sa maliit na mga mayayaman (o marangal) na may-ari na may malawak na lupain (halimbawa, mga asyenda, mga malaking rantso, o mga lupang gamit sa negosyong sakahan) patungo sa kanya-kanyang pagmamay-ari ng mga manggagawa ng mga lupaing iyon.[2] Ang mga ganoong paglipat ng mga pagmamay-ari ay maaring mayroon o walang kabayaran; maaring iba-iba ang kabayaran katulad ng katibayan ng halaga ng kabayaran o kabayaran mismo ng buong halaga ng lupa.[3]

Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.