Rin-Ruhr

From Wikipedia, the free encyclopedia

Rin-Ruhrmap
Remove ads

Ang kalakhang rehiyon ng Rin-Ruhr o Rhine-Ruhr (Aleman: Metropolregion Rhein-Ruhr) ay ang pinakamalaking kalakhang rehiyon sa Alemanya, na may higit sa sampung milyong naninirahan.[1] Isang polisentrikong konurbasyon na may ilang pangunahing konsentrasyon sa lungsod, ang rehiyon ay sumasaklaw sa isang lugar na 7,268 kilometro kuwadrado (2,806 mi kuw), ganap na nasa loob ng pederal na estado ng Hilagang Renania-Westfalia. Ang kalakhang rehiyon ng Rin-Ruhr ay kumakalat mula sa Ruhr area (Dortmund - Essen - Duisburg - Bochum) sa hilaga hanggang sa mga urbanong pook ng mga lungsod ng Mönchengladbach, Düsseldorf (ang kabesera ng estado), Wuppertal, Leverkusen, Colonia (ang pinakamalaki sa rehiyon at ang ikaapat na pinakamalaking lungsod ng Alemanya), at Bonn sa timog. Ang lokasyon ng Rin-Ruhr sa gitna ng Europeong Bughaw na Saging ay ginagawa itong mahusay na konektado sa iba pang mga pangunahing Europeong lungsod at kalakhang lugar tulad ng Randstad, Diyamanteng Flamenco at Rehiyong Francfort Rin-Meno.

Agarang impormasyon Kalakhang rehiyon ng Rin-Ruhr Metropolregion Rhein-Ruhr, Bansa ...
Thumb
Tanaw sa himpapawid ng Colonia
Thumb
Tanaw sa himpapawid ng Düsseldorf, ang kabesera ng estado ng Hilagang Renania-Westfalia
Thumb
Tanaw sa himpapawid ng Dortmund
Thumb
Tanaw sa himpapawid ng Essen

Ang kalakhang pook ay pinangalanan pagkatapos ng mga Ilog Rin at Ruhr, na kung saan ay tumutukoy sa heograpikal na mga tampok ng rehiyon at sa kasaysayan nito pang-ekonomiyang gulugod.

Remove ads

Mga pagkakahati

Ang pinakamalaking lungsod sa Rhine-Ruhr area ay Colonia, na may higit sa isang milyong mga naninirahan, na sinusundan ng Düsseldorf, Dortmund, at Essen, bawat isa ay may bahagyang higit sa 575,250.

Mga sanggunian

Karagdagang pagbabasa

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads