Sobyetikong Sosyalistang Republika ng Ukranya

From Wikipedia, the free encyclopedia

Sobyetikong Sosyalistang Republika ng Ukranya
Remove ads

Ang Sobyetikong Sosyalistang Republika ng Ukranya, dinadaglat na SSR ng Ukranya (Ukranyo: Українська РСР; Ruso: Украинская ССР), at payak na kinikilala bilang Sobyetikong Ukranya (Ukranyo: Радянська Україна; Ruso: Советская Украина), ay estadong komunista at republikang kasapi ng Unyong Sobyetiko na umiral sa Silangang Europa mula 1919 hanggang 1991. Pinaligiran ito ng Biyelorusya sa hilaga, Rusya sa silanga't hilagang-silangan, Polonya, Tsekoslobakya, at Hungriya sa kanluran, Rumanya at Moldabya sa timog-kanluran, Dagat Itim sa timog, at Dagat ng Azov sa timog-silangan. Sumaklaw ito ng lawak na 603,700 km2 at tinahanan ng mahigit 51.7 milyong mamamayan. Ang kabisera ang pinakamalaking lungsod nito ay Kyiv, dating Kharkov sa pagitan ng 1919 at 1934.

Agarang impormasyon Українська Радянська Соціалістична Республіка (Ukranyo)Ukrainska Radianska Sotsialistychna RespublikaУкраинская СоветскаяСоциалистическая Республика (Ruso)Ukrainskaya Sovetskaya Sotsialisticheskaya Respublika, Katayuan ...

Itinatag ang mga unang iterasyon ng Sobyetikong Ukranya matapos ang Himagsikang Oktubre, kung saan ibinagsak ng grupong Bolshebista ni Vladimir Lenin ang Pamahalaang Probisyonal ng Rusya. Sa pagsiklab ng Digmaang Pangkasarinlan sa Ukranya, kinalaban ng Hukbong Pula at nailikha ang Ukranyong Republikang Bayan ng mga Sobyetiko noong Disyembre 1917; pinalitan ito ng Republikang Sobyetiko ng Ukranya sa sumunod na taon. Nagtagumpay ng sa Digmaang Sibil ng Rusya, at nagkaisa ang Ukranya kasama ang Rusya, Biyelorusya, at Transkaukasya upang mabuo ang USSR. Yumabong ang kulturang Ukranyo sa bansa bilang bahagi ng polisiyang Korenisasyon, ngunit binaligtad ang proseso noong panahon ni Iosif Stalin, na nilayong isuway ang nasyonalismong burges. Humudyat ang mabilisang industriyalisasyon at sapilitang kolektibisasyon sa malawakang taggutom na binansagang Holodomor.

Remove ads

Kasaysayan

Himagsikang Oktubre at Pagkatatag

Panahong Stalinista at Entregera

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Pamumunong Khrushchev at Brezhnev

Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads