Sabado de Gloria

araw ng paghahanda para sa pagkabuhay muli ni Kristo From Wikipedia, the free encyclopedia

Sabado de Gloria
Remove ads

Ang Sábado de Gloria, Sábado ng Luwalhati, Sábado Santo, o Banal na Sábado; (Ingles: Black Saturday, Holy Saturday; Latin: Sabbatum Sanctum) ay ang araw na kasunod ng Biyernes Santo.[1]

Agarang impormasyon Opisyal na pangalan, Ibang tawag ...

Ito ang araw bago ang Pasko ng Pagkabuhay at ang huling araw ng Mahal na Araw, kung kailan naghahanda ang mga Kristiyano para sa Linggo ng Pagkabuhay. Iginugunitâ sa araw na ito ang pagkahimlay ng katawan ni Hesukristo sa Santo Sepulkro, habang bumababâ ang kaniyang kaluluwâ sa Sheol (ang tinutukoy na "Kinaroroonan ng mga Yumao" sa Kredong Niseno) upang ipahayag ang Mabuting Balita sa mga patay doon at iyadyâ sila.

Sa Pilipinas, kalimitang itinutuloy ang pansamantalang pagbabawal sa pagdiriwang at ingay na sadyang ipinapatupád mula noong Biyernes Santo. Pagkagat ng dilim sa araw na ito, sinisimulan nang ipagdiwang ng mga simbahan ang Bihilya ng Pagkabuhay.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads