Ignacio ng Loyola

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ignacio ng Loyola
Remove ads

Si San Ignacio ng Loyola[1], kilala rin bilang Íñigo Oñaz López de Loyola (bago ang Oktubre 23, 1491[2]Hulyo 31, 1556), ay ang pangunahing tagapagtatag at unang Superyor Heneral ng Lipunan ni Hesus, isang relihiyosong orden ng mga Simbahang Katoliko na nagpapahayag ng tuwirang paglilingkod sa Papa ayon sa patakaran ng misyon. Tinatawag na mga Hesuwita ang mga kasapi ng samahan.

Agarang impormasyon San Ignacio ng Loyola, Kumpesor/Tagapangumpisal ...
Tumuturo rito ang San Ignacio; para sa iba pang mga santo, tingnan ang Ignacio.

Bilang tagapagtipon ng Mga Kasanayang Pangkaluluwa ni Ignacio ng Loyola, at bilang direktor na pang-espiritwal, inilarawan siya ni Papa Benedicto XVI bilang isang tao ng Diyos higit pa sa lahat, na inialay ang unang pook ng kaniyang buhay para sa Diyos at isang taong labis ang pagiging madasalin.[3] Aktibo siya sa paglaban sa Repormasyong Protestante, kaya nagtaguyod ng Kontra-Repormasyon. Dumaan siya sa beatipikasyon at kanonisasyon para tumanggap ng titulong Santo noong Marso 12, 1622. Hulyo 31 ang araw ng kaniyang kapistahan, na ipinagdiriwang taun-taon. Siya ang santong patron ng Guipúzcoa at ng samahang Lipunan ni Hesus.

Remove ads

Tingnan din

  • Martín Ignacio de Loyola

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads