Baste Duterte
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Sebastian "Baste" Zimmerman Duterte (ipinanganak noong Nobyembre 3, 1987) ay isang negosyante at politikong Pilipino na kasalukuyang nagsisilbing pansamantalang alkalde ng Lungsod ng Davao simula noong 2025. Dati na rin siyang nagsilbi sa parehong posisyon bilang ika-22 alkalde ng lungsod mula 2022 hanggang 2025.[1] Kasabay nito, siya rin ang kasalukuyang bise alkalde ng Davao simula noong 2025, isang posisyong hinawakan din niya mula 2019 hanggang 2022.
Siya ang bunsong anak ng ika-16 na Pangulo ng Pilipinas at dating alkalde ng Davao na si Rodrigo Duterte at ng dating asawa nitong si Elizabeth Zimmerman. Pumasok si Duterte sa politika noong 2019 nang tumakbo siya bilang bise alkalde nang walang kalaban. Matapos tumakbo ang kanyang kapatid na si Sara, na noon ay alkalde ng Davao, bilang pangalawang pangulo, siya ang pumalit sa kandidatura nito at nanalo nang may malaking lamang. Nang subukang bumalik ng kanyang ama sa pagka-alkalde ng lungsod, tumakbo siya bilang katambal nito at muling nagwagi. Dahil nananatiling nakakulong ang kanyang ama sa The Hague o Ang Haya, itinalaga siya ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) bilang pansamantalang alkalde.[2][3]
Remove ads
Talambuhay
Unang yugto ng buhay
Ipinanganak si Duterte noong Nobyembre 3, 1987, sa Lungsod ng Davao. Siya ang bunsong anak nina Pangulong Rodrigo Duterte at Elizabeth Zimmerman, isang estewardesa o flight attendant na Pilipina na may lahing Aleman-Amerikano. Ang kanyang kapatid na si Paolo ay kasalukuyang kinatawan ng unang distrito ng Lungsod ng Davao, habang si Sara naman ay kasalukuyang pangalawang pangulo ng bansa.[4]
Natapos ni Duterte ang kanyang hayskul sa Kolehiyo ng San Beda sa Maynila. Nag-aral siya ng pamamahalang legal sa parehong kolehiyo sa loob ng isang taon bago bumalik sa Davao upang kumuha ng kursong agham pampolitika sa Unibersidad ng Ateneo de Davao.
Karera
Noong 2019, tumakbo siya bilang bise alkalde ng Lungsod ng Davao nang walang katunggali, katambal ang kanyang kapatid na si Sara, na noon ay muling tumatakbo bilang alkalde sa ilalim ng tiket ng Hugpong ng Pagbabago.[5][6] Nagwagi ang magkapatid sa halalan.[7] Itinalaga siya bilang pansamantalang alkalde ng lungsod sa dalawang pagkakataon: mula Hulyo 19 hanggang Setyembre 17, 2019, at mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 5, 2020.[8][9]
Personal na buhay
Si Duterte ay isang manlalangoy at surfer (o manlalakad sa alon), at madalas magbahagi ng mga larawan ng kanyang pagsu-surf.[10] Noong 2017, inilunsad niya ang sariling palabas panlakbay na Lakbai sa TV5. Siya rin ang host (tagapamahala ng programa) ng podcast na Basta Dabawenyo mula nang ilunsad ito noong 2024.[11]
Bagamat hindi pa kasal,[1] si Duterte ay may tatlong anak, dalawa sa kanila ay sa kanyang matagal nang kinakasama.[12]
Remove ads
Mga pananda
- Ang mga kapangyarihan at tungkulin ni Rodrigo Duterte ay sinuspinde nang epektibo noong Hunyo 30, 2025, dahil sa kanyang kawalang-kakayahang manumpa sa tungkulin habang kasalukuyang nakakulong sa The Hague. Sa kanyang pagkawala, si Baste Duterte ang tumayong Pansamantalang Alkalde ng Lungsod ng Davao.
- Si Robin Padilla ay kasalukuyang nakaliban mula Hunyo 16, 2025, habang si Baste Duterte ang nagsisilbing pansamantalang humalili.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads