Shinzō Abe
Punong Ministro ng Hapon (2006–2007, 2016–2020) From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Shinzō Abe (安倍 晋三 Abe Shinzō, [abe ɕinzoː] ( makinig); 21 Setyembre 1954 - 8 Hulyo 2022) ay ang dating Punong Ministro ng Hapon simula 2006 hanggang 2007 at simula 2016 hanggang 2020. Siya ay naging Pangulo ng Partido Liberal Demokratiko (LDP)[1] at chairman ng Oyagaku pangkat propulsiyong parliamentaryo. Si Abe ang ika-90 na Punong Ministro ng Hapon na hinalal sa isang espesyal na sesyon ng Pambansang Diet noong 26 Setyembre 2006. Siya ang pinakabatang punong ministro pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan at ang una na ipinanganak pagkatapos ng digmaan. Siya ay nagsilbing punong ministro na kaunti sa isang taon at nagbitiw noong 12 Setyembre 2007.[2] Siya ay pinalitan ni Yasuo Fukuda na nagpasimula ng mga punong ministr ona hindi nagpanatili ng posisyon sa higit sa isang taon.[3] Noong 26 Setyembre 2012, tinalo ni Abe ang dating Ministro ng Pagtatanggol na si Shigeru Ishiba sa isang botong run-off upang manalo sa halalang pampanguluhan (presidential) ng LDP.[4] Si Abe ay muling naging Punong Ministro pagkatapos ng malaking pagkapanalo ng LDP sa 2012 pangkalahatang halalan noong 26 Disyembre 2012. Siya ang naging pinkamatagal na naglingkod na punong ministro matapos niyang pangunahan ang pagkapanalo ng LDP sa mga eleksyon noong 2014 at 2017. Noong Agosto 2020 ay inanunsyo ni Abe ang kanyang pagbitiw bilang punong ministro dahil sa kanyang kalusugan.[5] Ibinigay niya ang kanyang pagbitiw noong 16 ng Setyembre, siya ay sinundan ni Yoshihide Suga.[6]
![]() | Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Si Abe ay isang matatag na konserbatibo na inilalarawan ng mga komentarista sa pulitika na bilang isang maka-kanang nasyonalistang Hapon.[7][8][9][10][11]
Napatay si Abe ni Tetsuya Yamagami (isang dating marino ng Japan Maritime Self-Defense Force) noong 8 Hulyo 2022 habang nagbibigay ng kanyang kampanyang pananalita sa Nara.[12]
Remove ads
Kamatayan
Sa ika-8 Hulyo 2022, dakong 11:30 JST (UTC+9) ng tanghali sa Nara ay nabaril si Abe habang hinahatid ang kanyang kampanyang pananalita.[12]. Isang 41 taong gulang na suspek na si Yamagami Tetsuya (isang dating marino ng Japan Maritime Self-Defense Force [mula 2002 hanggang 2005]) ang naaresto at umamin sa lokal na kapulisan.[13] Isinugod si Abe sa Nara Medical University Hospital sa Kashihara, dito inanunsyo ang kanyang pagpanaw sa dakong 17:03 JST.[12][14] Siya ay nasa edad na 67 sa kanyang oras ng pagpanaw.
Bilang tugon sa pagbaril at sa kanyang pagpanaw, maraming mga kasalukuyang at dating pinuno ng daigdig ang nagpadala ng kanilang simpatya at suporta para kay Abe.[15][16]
Remove ads
Mga sanggunian
Panlabas na Link
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads