Pangasiwaang Panlungsod ng Subic Bay
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Pangasiwaang Panlungsod ng Subic Bay[1] (Ingles: Subic Bay Metropolitan Authority, SBMA) ay isang ahensiyang pampamahalaan ng Pilipinas.[2][3] May kinalaman ang ahensiyang ito sa pagpapaunlad ng Malayang-daungan ng Look ng Subic (Subic Bay Freeport) at ang Espesyal na Sonang Ekonomiko (Special Economic Zone) upang maging isang lugar na napapanatili ang sarili na sinusulong ang mga lugar ng kalakalan na pang-industriya, pang-komersyo, pamumuhunan, at pananalapi, at gayon din ang bansang Pilipinas mismo.
Kabilang sa lugar na sakop ng SBMA ang dating Base ng Hukbong-dagat ng Estados Unidos sa Look ng Subic, mga bahagi ng tangway ng Redondo kung saan naroon ang baradero ng Subic Hanjin, at ang dating tuluyan ng depensang Estados Unidos sa mga burol na binubuo ng pabahay sa Binictican at Kalayan.[4] Matatagpuan ang punong tanggapan ng ahensiya sa Sona ng Malayang-daungan ng Look ng Subic sa Lungsod ng Olongapo.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads