Kanal ng Suez

kanal sa Ehipto sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at Dagat Pula From Wikipedia, the free encyclopedia

Kanal ng Suez
Remove ads

Ang Agusan ng Suez ay isang daanang tubig sa Ehipto, na naghihiwalay sa mga kontinente ng Asya at Aprika. Nagawa ito noon pang panahon ng Lumang Ehipto at muling itinayo, simula noong 1859.[1] Isa sa muling nagpatayo si Ferdinand de Lesseps, isang Pranses at muling binuksan noong 1869. May haba itong 193.3 km[2] na nagdurugtong sa Dagat Mediteranyo, Golpo ng Suez, Dagat Pula at Karagatang Indiyan. Ito ay ginagamit para sa mga barkong may dalang kalakal.

Thumb
Kanal Suez, tanaw mula sa kalawakan, NASA.

Ang kahalagahan nito sa pandaigdigang ekonomiya ay nag-uugat sa mas mabilis na paglalakbay ng mga barkong dumadaan sa agusang ito.[3] Nagsisilbi itong direktang ruta mula sa Hilagang Atlantic patungo sa hilaga ng Karagatang Indiyo, anupat napaiikli ang distansya ng humigit-kumulang 8,900 kilometro (5,500 milya), o mga 8 hanggang 10 araw na paglalakbay.[4]



Ehipto Ang lathalaing ito na tungkol sa Ehipto ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Remove ads

Mga Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads