Ipot

Solid o semisolid na labi ng hindi natutunaw na pagkain From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang ipot o dumi (kilala din bilang tae, pupu, aa o takla) ay isang solido o medyo-solidong natirang pagkain na hindi natunaw sa maliit na bituka, at pinaghiwa-hiwalay ng bakterya sa malaking bituka.[1][2] Maaring naglalaman ang pupu ng mahalagang maliit na dami ng duming metabolikong produkto tulad ng bilirrubina na binago ng bakterya, at mga selulang epiteliyal mula sa poro ng bituka.[1] Nilalabas ang dumi sa tumbong o kloaka tuwing nagbabawas.

Maaring gamitin ang dumi bilang pataba o pangkondisyon ng lupa sa agrikultura. Maari din sunugin ang mga ito bilang panggatong o patuyuin at gamitin para sa konstuksyon.

Remove ads

Katangian

Thumb
Ang eskatol ay ang prinsipal na kompuwesto na may responsable sa mabahong amoy ng tae.
Thumb
Ang molekulang asido sulpidriko (o hydrogen sulfide) ay umaambag sa amoy ng pupu.

Dahil sa eskatol ang katangi-tanging amoy ng pupu, gayon din ang mga tiol (mga kompuwesto na may asupre) at mga amita at mga asido karboksilika. Nagkakaroon ng eskatol dahil sa dekarboksilaksyon.[3][4]

Pinalagay ang halatang mabahong amoy ng tae na pampigil para sa mga tao, yayamang maaring magresulta ang pagkonsumo o paghawak nito ng sakit o impeksyon.[5]

Pisiyolohiya

Nilalabas ang dumi sa tumbong o kloaka tuwing tatae. Nangangailangan ang proseso ng presyon na maaring umabot sa 100 milimetro ng merkuryo (3.9 inHg) (13.3 kPa) sa tao at 450 milimetro ng merkuryo (18 inHg) (60 kPa) sa penguwin.[6][7] Nagagawa ang puwersa na kailangan upang ilabas ang dumi sa pamamagitan ng mga pagpapaliliit at pag-ipon ng mga gas sa loob ng bituka, na inuudyok ang espinter na pawiin ang presyon at ilabas ang dumi.[7]

Remove ads

Lipunan at kalinangan

Pagkadiri

Sa maraming kalinangan ng tao, nakakakuha ang mga adulto ng iba't ibang antas ng disgusto o pagkadiri sa pupu. Ang mga bata may edad mas mababa sa dalawa ay walang pagkadiri na tugon dito, na minumungkahi na naihango ito mula sa kultura.[8] Mukhang pinakamalakas ang disgusto sa pupu sa mga kalinangan kung saan ang inidoro na may pambuhos ay ginagawang kaunti lamang ang kontak sa pang-amoy sa pupu ng tao.[9][10] Pangunahing nararanasan ang disgusto na may relasyon sa panlasa (halata o inisip) at, pangalawa sa kahit anumang nagdudulot ng katulad na pakiramdam ng pandamdam ng amoy, hipo, o tingin.

Hatirang pangmadla

Mayroong Pile of Poo emoji (emoji ng Tambak ng Pupu) na kinakatawan sa Unicode bilang U+1F4A9 💩 PILE OF POO, na tinatawag na unchi o unchi-kun sa Hapon.[11][12]

Mga biro

Sentro ang pupu sa toilet humor o katatawanang pampalikuran, at karaniwan itong interes ng mga bata at tinedyer.[13]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads