Tayikistan

From Wikipedia, the free encyclopedia

Tayikistan
Remove ads

Ang Tayikistan o Tajikistan,[a][b] opisyal bilang Republika ng Tayikistan,[c] ay isang bansang nasasagitna ng lupain sa Gitnang Asya. Dushanbe ang kabisera nito at pinakamataong lungsod. Napapaligiran ang Tayikistan ng Apganistan sa timog, Usbekistan sa kanluran, Kirgistan sa hilaga, at Tsina sa silangan. Nahihiwalay ito mula sa Pakistan sa Koridor na Wakhan ng Apganistan. Binubuo ng mga Tajik ang mayoryang etniko ng bansa at Tajik ang kanilang pambansang wika, isa uri ng Persa.[5]

Agarang impormasyon Republika ng TayikistanҶумҳурии Тоҷикистон (Tajik)Jumhurii TojikistonРеспублика Таджикистан (Ruso)Respublika Tadžikistan, Kabisera at pinakamalaking lungsod ...
Remove ads

Mga teritoryong pampangasiwaan

  1. Mga distrito sa ilalim Gitnang Hurisdiksyon ng Pamahlaan
  2. Lalawigan ng Sughd
  3. Lalawigan ng Khatlon
  4. Awtonomong Rehiyon ng Gorno-Badakhshan

Politika

Punong Ministro ng Tayikistan

Ang punong ministro ng Tayikistan (Сарвазири Ҷумҳурии Тоҷикистон) ay isang titulo na kinuha ng pinuno ng pamahalaan ng Tayikistan. Pagkatapos ng pangulo, ang punong ministro ang sumunod na makapangyarihang indibiduwal sa bansa. Nakikipagtalastasan ang punong ministro sa gawa ng Gabinete at nagbibigay payo at tinutulungan ang pangulo sa pangangasiwa ng mga gampanin ng pamahalaan.

Pambansang Kapulungan

Ang Pambansang Kapulungan (Tajik: Маҷлиси миллии, Majlisi milli; Ruso: Национальный совет Высшего собрания) ay ang mataas na kapulungan ng dalawahang kamara ng parlamento ng Tayikistan. Mayroon itong 33 kasapi : 25 ang hinalal na may terminong limang taon ng mga diputado ng lokal na majlisi at 8 na hinirang ng pangulo. Bilang isang karapatan, ang mga dating pangulo ay kasapi habang buhay.[6] Nagsisilbi si Rustam Emomali, na anak ng kasalukuyang Pangulo na si Emomali Rahmon, bilang Tagapanulo ng Majlisi Milli simula noong Abril 17, 2020.[7]

Nahalal ang dalawampu't limang kasapi noong Marso 27, 2020 at hinirang ni Pangulong Emomali Rahmon ang isang-kapat ng mga kasapi noong April, na dinala ang kabuuang bilang ng mga kasapi sa tatlumpu't isa.[8]

Kapulungan ng mga Kinatawan

Ang Kapulungan ng mga Kinatawan (Ruso: Пала́та представи́телей Вы́сшего собра́ния Респу́блики Таджикиста́н; Tajik: Маҷлиси намояндагон) ay ang mababang kapulungan ng dalawahang kamara ng Kataas-taasang Kapulungan ng Tayikistan. Naging dominanteng partido ang Partidong Demokratikong Pambayan ng Tayikistan ([Ҳизби халқии демократии Тоҷикистон] Error: {{Lang-xx}}: Di tugmang Non-latn text (pos 1: Ҳ)/Latn script subtag (tulong); [Народная демократическая партия Таджикистана] Error: {{Lang-xx}}: Di tugmang Non-latn text (pos 1: Н)/Latn script subtag (tulong)) sa lehislatura simula pa noong 2000.

Sistema ng paghalal

Dalawang kaparaanan ang paghalal ng mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan; nahalal ang 41 kasapi sa isahang-kasapi na konstityuwensya gamit ang sistemang dalawang-kurso, habang nahalal ang 22 sa representasyong proporsyonal sa isahang konstityuwensyang pambansa, na may isang saklaw ng elektoral na 5%.[9]

Remove ads

Talababa

  1. Tajik: Тоҷикистон, romanisado: Tojikiston, tg; Ruso: Таджикистан, romanisado: Tadzhikistan, ru
  2. Tajik: Ҷумҳурии Тоҷикистон, romanisado: Jumhurii Tojikiston, tg

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads