Tangway ng Iberya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Tangway ng Iberia (Kastila: Península Ibérica) kilala rin bilang Iberia ay matatagpuan sa pinakatimog-kanlurang dako ng Europa at kinalalagyan ng mga bansang Portugal, Espanya, Andorra, kolonyang Britaniko ng Gibraltar at ng isang maliit na kapiraso ng Pransiya. Ang timog nito ay halos kadikit ng hilagang baybay ng kontinente ng Aprika, pinaghihiwalay lamang ng Kipot ng Gibraltar. Tinatayang may sukat itong 583,254 kilometro kuwadrado, [1]at may tinatatayang may 53 milyong populasyon,[2], ang ikalawang pinakamalaking tangway sa Europa ayon sa sukat, kasunod ng Tangway ng Escandinava.

Ang katagang Iberia ay mula sa itinawag ng mga sinaunang Griyego sa tangway na ito (Ιβηρία).
Remove ads
Mga pangunahing kasalukuyang bansang nakapaloob

Ang kasalukuyang pagkakahating pampulitika ng Tangway ng Iberia ay binubuo ng kalakhan ng Espanya at Portugal, ang kabuuan ng mikroestado ng Andorra, maliit na bahagi ng departamento ng Pyrénées-Orientales (Alta Cerdaña) at ng kolonyang Britaniko ng Gibraltar.
Nasa timog na bahagi ng Bulubundukin ng Pyrenees ang Alta Cerdaña, na tumatakbo sa kabuuan ng hangganan sa pagitan ng Espanya at Pransiya. [3][4][5] Ang bulubundukin ng Pyrenees ay kadalasang itinuturing hilagang silangang hangganan ng Tangway ng Iberia.
Pagkakahating pampulitika ng Tangway ng Iberia:
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads