Ukhta
lungsod sa Rusya From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Ukhta (Ruso: Ухта́; Komi: Уква, Ukva) ay isang mahalagang lungsod sa Republika ng Komi ng Rusya. Matatagpuan ito sa isang ilog na may kaparehong pangalan. Sa silangan ng lungsod ay ang lungsod ng Sosnogorsk, at sa timog-kanluran ay Yarega.
Remove ads
Kasaysayan
Nakilala noong ika-17 dantaon ang mga lupang may deposito ng langis sa Ilog Ukhta. Noong kalagitnaan ng ika-19 na dantaon, nagsimulang mag-dril ang industriyalistang si M. K. Sidorov ng langis sa lugar na ito. Isa ito sa mga kauna-unahang pinagkukunan ng langis sa lugar. Mayroon isang langisang gawa sa bahay sa Ukhta noong 1920–1921. Itinatag ang pamayanan noong 1929 bilang nayon ng Chibyu, ngunit pinalitan ang pangalan nito sa Ukhta noong 1939 it was renamed Ukhta. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong 1943 nang naiugnay ito sa Daambakal ng Pechora.
Lumawak ang lungsod noong mga dekada-1940 at 1950 sa pamamagitan ng sapilitang paggawa ng mga bilanggong politikal.
Remove ads
Demograpiya
Ekonomiya
Matatagpuan ang Ukhta sa loob ng Timan-Pechora Basin, isang mahalagang rehiyong gumagawa ng petrolyo at gas. Matatagpuan sa timog ng lungsod ang mga langisan. Ilan sa mga petrolyo ng Ukhta ay pinino mismo sa lungsod, ngunit karamihan ay dinadala sa mga oil refinery sa pagitan ng St. Petersburg at Moscow.
Transportasyon
Dagdag sa ugnay nito sa daambakal (Daambakal ng Pechora), mayroon din isang paliparan ang lungsod.
Klima
Ang Ukhta ay may kalawakang klimang subartiko[9] na may magiginaw na taglamig at maigsi ngunit mainit na tag-init. Kung ihahambing sa mga lugar sa Siberia na may katulad na latitud, hindi masyadong matindi ang taglamig dito subalit mas-mahaba sa tag-init at lubhang maginaw kung ibabatay sa pamantayang Europeo.
Remove ads
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads