Viena

From Wikipedia, the free encyclopedia

Vienamap
Remove ads

Ang Viena o Vienna (Aleman: Wien) ay ang kabesera ng Republika ng Austria at isa sa mga siyam na estado ng Austria. Ang Viena ay ang pangunahing lungsod ng Austria, na may populasyon na tinatayang 1.7 milyon[1] (2.4 milyon sa loob ng kalakhan,[2] na mahigit sa 25% ng populasyon ng Austria), at siyang pinakamataong lungsod sa Austria, maliban sa pagiging sentrong pangkultural, pang-ekonomiya at pampolitika nito. Ito ang ika-10 pinakamalaking lungsod sa Unyong Europeo. Ang Viena ay himpilan ng maraming mga mahahalagang organisasyong pandaigdig, tulad ng mga Nagkakaisang Bansa at OPEC.

Agarang impormasyon Viena Wien, Bansa ...

Ang Viena ay nasa bandang silangan ng Austria at malapit sa mga hangganan ng Republika Tseka, Eslobakya at Unggriya. Ang mga rehiyong ito ay nagsasama bilang European Centrope border region ("sa loob/gitna ng tali"). Kasama ng Bratislava (kabisera ng Eslobakya), ang Viena ay bumubuo ng isang pinagsamang kalakhan na may 3 milyong naninirahan, at ang rehiyong ito ay tinatawag nga Twin City. Noong 2001, ang gitnang bahagi ng lungsod ay binansagang UNESCO World Heritage Site.[3]

Remove ads

Galeriya ng mga larawan

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads