Vyazemsky
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Vyazemsky (Ruso: Вя́земский) ay isang lungsod at ang sentrong pampangasiwaan ng Vyazemsky District sa Khabarovsk Krai, Rusya. Matatagpuan ito 130 kilometro (81 milya) timog-kanluran ng Khabarovsk, ang kabisera ng krai, malapit sa Ilog Ussuri at hangganan ng Rusya–Tsina.
Remove ads
Kasaysayan
Unang itinatag ang lungsod noong 1895[2] bilang isang pamayanan noong itinatayo ang daambakal sa pagitan ng Khabarovsk at Vladivostok, na kalauna'y naging pinakasilangang bahagi ng Trans-Siberian Railway. Unang pinangalanang Vyazemskaya (Вя́земская) ang pamayanan at estasyong daambakal, mula kay Orest Vyazemsky na punong inhinyero ng nabanggit na bahagi ng daambakal.
Ginawaran ito ng katayuang pampamayanang uring-urbano (urban-type settlement) noong 1938, at katayuang panlungsod noong 1951.
Remove ads
Demograpiya
Ekonomiya
Dumedepende ang ekonomiya ng Vyazemsky sa paggawa ng tabla, pagkain, at mga materyales pangkonstruksiyon, gayundin sa trapiko ng riles ng Trans-Siberian Railway.
Transportasyon
Pinaglilingkuran ang lungsod ng estasyong daambakal ng Vyazemskaya sa Trans-Siberian Railway. Dulo rin ito ng mga dekuryenteng tren na pangnaik at pangkomyuter mula Khabarovsk. Matatagpuan din ito sa mabilisang daanan ng M60.
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads