Ang gansa ay isang uri ng ibon na kahawig ng mga bibi. Tinatawag na gansa ang babae, samantalang ganso naman ang mga lalaking gansa. Lumilipad sa himpapawid at lumalangoy din na nakalutang sa ibabaw ng tubig ang mga ito. Kabilang ito sa mga tinatawag na ibong pam-poltri. Kabilang sa mga gansang ito ang mga saring Anser at Branta na nasa pamilyang Anatidae.
Ang agraso, uba-krispa, grosela, o grosela espinosa ay isang palumpong na may matitinik na mga tangkay at maliliit na mga bulaklak. Natatagpuan ang mga ito sa malalamig at banayad na mga rehiyon ng mundo. Ginagamit na pagkain ang mga ratiles o beri nitong maraming mga buto. Wala itong kaugnayan sa kaktus na "gansang-ratiles ng Barbados".
Ang Gansang ng Canada ay isang malaking ligaw na uri ng gansa na may itim na ulo at leeg, puting pisngi, puti sa ilalim ng baba, at isang kayumanggi katawan. Katutubong sa mga rehiyon ng Artiko at mapagtimpi ng Hilagang Amerika, paminsan-minsan ang paglipat nito ay umaabot sa hilagang Europa.