Ang katunggali o adbersaryo ay nangangahulugang isang kalaban, katalo, kaaway, kabangga, kaalit, kaalitan, at kagalit, na kabaligtaran ng isang kaibigan. Tumutukoy rin ito sa dimonyo o diyablo at kay Satanas o Lusiper. May ibig sabihin ang mismong pangalang Satanas bilang isang "katunggali".
Ang isang pangunahing kaaway ay ang pangunahing kalaban ng isang tao o ng isang bagay. Sa larangan ng kathang-isip, isa itong tauhan na pinakamasamang kaaway ng bayani.