Ang Wikang Koreano ay ang opisyal na wika ng parehong Hilagang Korea at Timog Korea. Ito rin ang isa sa dalawang opisyal na wika sa Nagsasariling Prepekturang Koreano ng Yanbian sa Tsina. Isinusulat ito sa alpabetong Hangeul. Mahigit sa 78 milyong katao ang nagsasalita ng Wikang Koreano sa buong daigdig. Sa mahigit na sanlibong taon, ang Wikang Koreano ay isinusulat kasama ng mga hiram na karakter panulat ng mga Tsino at tinawag na hanja, kasama ang mga sistemang ponetikong gaya ng hyangchal, gugyeol, at idu. Noong ika-15 dantaon, isang pambansang sistemang panulat ang tinawag na hangul ang pinagawa ni Sejong na Dakila, subali't hindî agad nagamit ng lahat hanggang noon lamang ika-20 dantaon, dahil sa higit na pinili ng aristokrasyang yangban noon ang paggamit ng hanja.