No coordinates found
Larangan
sangay ng pag·aaralAng larangan o akadémikóng disiplína ay ang bahagi ng kaalaman na itinuturo at sinasaliksik sa mga kolehiyo at pamantasan. Binibigyang-kahulugan ang mga larangan ng mga akademikong dyornal, kung saan inilalathala madalas ang mga pananaliksik, at sa lipunang may-alam at kagawarang pang-akademiko o faculty sa loob ng mga kolehiyo at pamantasan. Hinahati ang mga larangan sa dalawa: araling pantao at larangang pang-agham ; itinuturing minsan ang agham panlipunan bilang isa pang kategorya nito.
Read article