Map Graph

Marsella

Ang Marsella, kilala sa lumang panahon bilang Massalia, ay ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa Pransiya, kasunod ng Paris, na may populasyong 852,395 sa mismong lungsod na may laki na 240.62 km² (93 mi²). Ang teritoryong urbano ng Marsella ay lampas pa sa bakuran ng lungsod at ang populasyon ay higit sa 1.4 milyon na may laki na 1,204 km² (465 mi²). 1.5 o 1.6 milyong katao ang naninirahan sa buong kalakhan ng Marsella, sa gayon ito ang ikatlo sa hanay ng mga kalakhang Pranses, kasunod ng Paris at Lyon. Matatagpuan sa timog-silangang baybayin ng Pransiya sa Dagat Mediteraneo, ang Marsella ay ang pinakamalaking daungang pangkalakalan ng Pransiya at pinakamalaking lungsod na Pranses sa gilid ng Mediteraneo. And Marsella ay ang kabisera ng rehiyon ng Provenza-Alpes-Costa Azul, at gayun din ng lalawigan ng Bocas del Rodano. Ang mga mamamayan nito ay tinatawag na Marseillais.

Read article
Talaksan:View_of_Marseille_from_Notre-Dame_de_la_Garde_4.jpgTalaksan:Flag_of_Marseille.svgTalaksan:Armoiries_de_Marseille.svgTalaksan:Marseille_map.png