No coordinates found
Mga Waray
pangkat etniko sa Samar at silangang LeyteAng mga Waray ay isang subgrupo ng mas malaking pangkat etnolinggwistiko na mga Bisaya, na ang ikaapat na pinamalakaing pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas. Ang wikang Waray ay ang pangunahing wika nila. Ito rin ay isang wikang Austronesyo na katutubo sa kapuluan ng Samar, Leyte at Biliran, na kapag pinagsama-sama ay tinatawag na Rehiyon ng Silangang Bisaya ng Pilipinas. Nakatira ang mga Waray sa karamihan ng Samar kung saan tinatawag silang mga Samareño/mga Samarnon, ang hilagang bahagi ng pulo ng Leyte kung saan tinatawag silang mga Leyteño, at ang pulo ng Biliran. Sa pulo ng Leyte, nahihiwalay ang mga nagsasalita ng Waray sa mga nagsasalita ng Sebuwano sa pamamagitan ng mga bulubundukin ng pulo sa gitna.
Read article