Ang Hilaga-Kanlurang Lagusan o Hilaga-Kanlurang Daanan ay isang rutang pandagat sa pamamagitan ng paglalayag sa Karagatang Atlantiko, sa hilagang dalampasigan ng Hilagang Amerika sa pamamagitan ng mga daanang-tubig sa gitna ng Kapuluan ng Artikong Kanadyano, na nag-uugnay ng Karagatang Atlantiko at ng Karagatang Pasipiko. Ang sari-saring mga pulo ng arkipelago ay pinaghihiwa-hiwalay sa isa't isa at sa punong-lupain ng Canada sa pamamagitan ng mga serye ng mga daanang-tubig ng Artiko na nakikilala bilang mga Hilaga-Kanlurang mga Lagusan o Hilaga't Kanluraning mga Daanan.