Ang pag-iral, pamamarati, pamamalagi, o eksistensiya ay kalimitang nangangahulugang "ang katayuan o kalagayan o katotohanan ng pagiging", ngunit maraming iba't ibang mga pananaw ukol sa kahulugan ng salitang ito, at kung paano ang umiral. May kaugnayan ito sa salitang pagkabuhay, "pagiging buhay", o "pagiging may buhay". Kalimitan itong nakaugnay sa pandiwa o berbong "maging" katulad ng diwang ipinababatid sa sumusunod na mga pangungusap na ginagamit ng salitang ay:Ako ay isang tao.
Ito ay isang panulat.
Ang langit ay bughaw.
Ang apat na dinagdagan ng tatlo ay pito.