Ang pisngi ay ang bahagi ng mukha na kinabibilangan ng ilalim ng mga mata at sa gitna ng ilong at sa kaliwa o kanang tainga. Malaman sa mga tao ang pisngi, na nakabitin ang balat sa pamamagitan ng baba at ng panga, na bumubuo sa panggilid na harang ng bibig ng tao, at kung saan makikitang nakadikit sa butong pang-pisngi sa ilalim ng mata. Sa mga vertebrate, nagsisilbing mga mahahalagang nakapagpapakilanlang mga pananda sa gitna ng mga espesye o indibidwal ang mga marka sa ibabaw ng lugar ng pisngi.