Adrastea (buwan)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Adrastea ( /ædrəˈstiːə/) na kilala rin bilang Jupiter XV, ay ang pangalawa sa layo, at ang pinakamaliit sa apat na panloob na buwan ng Hupiter. Natuklasan ito sa mga litratong kinunan ng Voyager 2 noong 1979; ang unang likas na satelayt na natuklasan mula sa mga larawang kinunan ng isang interplanetary spacecraft, sa halip na sa pamamagitan ng teleskopyo.[6] Opisyal itong pinangalanan sa mitolohiyang si Adrasteia, kinakapatid na ina ng Griyegong diyos na si Zeus—ang katumbas ng Romanong diyos na si Hupiter.[7]
Pagkatuklas | |
---|---|
Natuklasan ni |
|
Natuklasan noong | 8 Hulyo 1979 |
Designasyon | |
Bigkas | /ædrəˈstiːə/[1] |
Ipinangalan kay | Ἀδράστεια Adrasteia |
Pang-uri | Adrastean /ædrəˈstiːən/[2] |
Orbital characteristics | |
Mean orbit radius | 129000 km[3][4] |
Eccentricity | 0.0015[3][4] |
Orbital period | 0.29826 d (7 h, 9.5 min)[3][4] |
Average orbital speed | 31.378 km/s[lower-alpha 1] |
Inclination | 0.03° (to Jupiter's equator)[3][4] |
Satellite of | Jupiter |
Pisikal na katangian | |
Dimensiyon | 20 × 16 × 14 km[5] |
Mean radius | 8.2±2.0 km[5] |
Volume | ≈ 2345 km3[lower-alpha 1] |
Rotation period | synchronous |
Axial tilt | zero[5] |
Albedo | 0.10±0.045[5] |
Temperature | ≈ 122 K |
Ang Adrastea ay isa sa ilang buwan sa Sistemang Solar na kilala na umiikot sa planeta nito nang mas mababa sa haba ng araw ng planetang iyon. Umiikot ito sa gilid ng pangunahing singsing ng Hupiter at itinuturing na pangunahing nag-aambag ng materyal sa mga singsing ng Jupiter. Sa kabila ng mga obserbasyon na ginawa noong dekada 1990s ng Galileo spacecraft, kakaunti lamang ang nalalaman tungkol sa mga pisikal na katangian ng buwan maliban sa laki nito at ang katotohanang tidally locked ito sa Hupiter .