Alahas
From Wikipedia, the free encyclopedia
Tumutukoy ang alahas sa mga palamuting isinusuot bilang panggayak ng sarili, tulad ng mga brotse, singsing, kuwintas, hikaw, palawit, pulseras, at himelo. Maaaring ikabit ang mga alhas sa katawan o sa mga damit. Mula sa kanluraning pananaw, natatakdaan ang salita sa mga pangmatagalang burloloy, hindi kasama ang mga bulaklak bilang halimbawa. Sa loob ng maraming siglo, ang mga metal tulad ng ginto na ginamit sa mga iba't ibang kilatis mula 21, 18, 12, 9 o mas mababa pa, kadalasang isinasama sa mga batong-hiyas, ay naging karaniwang materyales para sa alahas, ngunit maaaring gamitin din ang mga ibang materyales tulad ng mga takupis at iba pang materyales mula sa mga halaman. Ito ay isa sa mga pinakalumang uri ng artepaktong arkeolohikal – ipinapalagay na ang pinakalumang kilalang alahas ay mga 100,000 taong-gulang na abaloryo gawa sa mga takupis ng Nassarius.[1] Nagkakaiba-iba ang mga pangunahing anyo ng alahas sa pagitan ng mga kultura ngunit madalas ay may napakahabang buhay; sa mga kultura ng Europa ang mga pinakakaraniwang anyo ng alahas na naitala sa itaas ay nagpatuloy mula noong sinaunang panahon, habang ang mga ibang anyo tulad ng mga adorno para sa ilong o bukung-bukong, mahalaga sa mga ibang kultura, ay di-kasingkaraniwan.
Maaaring ibuo ang alahas mula sa maraming iba't ibang materyales. Malawakang ginamit ang mga batong-hiyas at mga magkatulad na materyales tulad ng amber, sagay, mahahalagang metal, at madalas na naging halaga ang esmalte. Sa karamihan ng mga kultura, nauunawaan ang alahas bilang simbolo ng katanyagan, para sa katangian ng kanyang materyales, para sa kanyang disenyo, o para sa kanyang makahulugang simbolo. Ipinalikha ng mga alahas ang halos bawat bahagi ng katawan, mula aguhilya hanggang singsing ng paa, at kahit alahas sa pribadong ari. Sa makabagong kultura ng Europa, ang nasusuotan ng mga adultong lalaki ay medyo mababa kumpara sa mga ibang kultura at mga ibang panahon sa kultura ng Europa.