Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya[2], na kadalasang dinadaglat bílang ASEAN o Asean,[3][4] ay isang kapisanang pangheopolitika, pang-ekonomiya, at pangkultura ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang Asean ay itinatag noong ika-8 ng Agosto 1967 at binuo ng Indonesya, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand. Ang mga layunin ng samahang ito ay pagtaguyod ng paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura sa mga kasapi, at pagpapalaganap ng kapayapaang pangrehiyon.
Agarang impormasyon Luklukan ng Kalihiman, Pinakamalaking lungsod ...
Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
| |
---|---|
Watawat | |
Salawikain: "Isang Pananaw, Isang Pagkakakilanlan, Isang Pamayanan" "10 Bansa, 1 Pagkakakilanlan" | |
Awitin: "Ang Paraan ng ASEAN" (The ASEAN Way) | |
Luklukan ng Kalihiman | Jakarta |
Pinakamalaking lungsod | Jakarta |
Wikang panggawain | Ingles[1] |
Katawagan | Timog-Silangang Asyano |
Bansang-kasapi | |
Pamahalaan | Kapisanang panrehiyon |
• Tagapangulo | Sonexay Siphandone |
• Kalihim | Kao Kim Hourn |
Pagtatag | |
• Pagpapahayag ng Bangkok | 8 Agosto 1967 |
• Karta | 16 Disyembre 2008 |
Lawak | |
• Kabuuan | 4,464,322 km2 (1,723,684 mi kuw) |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2008 | 577 milyon |
• Densidad | 129/km2 (334.1/mi kuw) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | US$ 3,431.2 bilyon |
• Bawat kapita | US$ 5,962 |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2008 |
• Kabuuan | US$ 1,505.7 bilyon |
• Bawat kapita | $2,609 |
TKP (2015) | 0.684 katamtaman |
Salapi |
|
Sona ng oras | UTC+9 hanggang +6:30 (Asean) |
Kodigong pantelepono | |
Internet TLD | |
Websayt www.asean.org | |
|
Isara