Bay, Laguna
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Laguna / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bay (pagbigkas: ba•é) ay Ika-3 klaseng at kinukunsedira ding ika-2 klase bayan sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 67,182 sa may 17,848 na kabahayan.
Bay Bayan ng Bay | |
---|---|
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Bay. | |
Mga koordinado: 14°11′N 121°17′E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) |
Lalawigan | Laguna |
Distrito | Pangalawang Distrito ng Laguna |
Mga barangay | 15 (alamin) |
Pamahalaan | |
• Manghalalal | 42,516 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 42.66 km2 (16.47 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 67,182 |
• Kapal | 1,600/km2 (4,100/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 17,848 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-2 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 5.38% (2021)[2] |
• Kita | ₱219,763,026.25 (2020) |
• Aset | ₱524,844,582.99 (2020) |
• Pananagutan | ₱123,674,880.03 (2020) |
• Paggasta | ₱169,361,199.37 (2020) |
Kodigong Pangsulat | 4033 |
PSGC | 043402000 |
Kodigong pantawag | 49 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | wikang Filipino |
Isa sa pinakamatandang bayan sa lalawigan ng Laguna ang Bay, at ang kauna-unahang kabisera ng lalawigan. Sakop ng orihinal na teritoryo nito ang Los Baños, at ang Calauan. Bago ito masakop ng mga Kastila, ang maliit na bayan na ito ay tinitirahan ng mga taong pinamumunuan ni Datu Gat Pangil at natatag noong mga 1570. Sinasabing ang pangalang Bay ay nagmula sa tatlong anak na babae ng ni Datu Pangil. Pagtapos nilang binyagan, pinangalanan itong Maria Basilisa, Maria Angela, at Maria Elena. Ang mga unang titik ng Basilisa, Angela, Elena ay kinuhat at pinagsama at nabuo ang salitang Bae. Sa paglipas ng panahon, ang Bae ay naging Bay.