Galicia (Espanya)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Galicia ( /ɡəˈlɪʃ(i)ə/ gə-LISH(-ee)-ə;[2] Galisyano: Galicia [ɡaˈliθjɐ] [ɡaˈliθɐ];[lower-alpha 1] Kastila: Galicia) ay isang pamayanang awtomono ng Espanya at nasyonalidad na makasaysayan sa ilalim ng batas Kastila.[3] Matatagpuan sa hilagang-kanlurang Tangway Iberiko, kinabibilangan ito ng mga lalawigan ng A Coruña, Lugo, Ourense, at Pontevedra.
Galicia Galicia (Kastila at Wikang Galisiyano) | |||
---|---|---|---|
Pamayanang awtomono | |||
| |||
Awit: "Os Pinos ("Ang mga Punong Pino") | |||
Lokasyon ng of Galicia sa loob ng Espanya at Tangway Iberiko | |||
Mga koordinado: 42.5°N 8.1°W / 42.5; -8.1 | |||
Bansa | Espanya | ||
Kabisera | Santiago de Compostela | ||
Mga malalaking lungsod | Vigo, A Coruña | ||
Mga lalawigan | A Coruña, Lugo, Ourense, at Pontevedra | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Pamahalaang debolusyon sa isang monarkiyang pangkonstitusyon | ||
• Konseho | Xunta de Galicia | ||
• Pangulo | Alfonso Rueda (PP) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 29,574.42 km2 (11,418.75 milya kuwadrado) | ||
Ranggo sa lawak | Ika-7 (5.8% ng Espanya) | ||
Populasyon (2020) | |||
• Kabuuan | 2,701,819 | ||
• Ranggo | Ika-5 (6% ng Espanya) | ||
• Kapal | 91/km2 (240/milya kuwadrado) | ||
mga demonym | Galisiyano galego, -ga (gl) gallego, -ga (es) | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
ISO 3166 code | ES-GA | ||
Kodigong pantelepono | +34 98- | ||
Kautusan ng Awtonomiya | 1936 28 Abril 1981 | ||
Mga wikang opisyal | |||
Internet TLD | .gal | ||
Santong patron | San Santiago | ||
Parlamento | Parlamento Galicia]] | ||
Kongreso | 23 diputado (sa 350) | ||
Senado | 19 senador (sa 265) | ||
HDI (2021) | 0.900[1] napakataas · ika-9 | ||
Websayt | Xunta de Galicia |
Matatagpuan sa Europang Atlantiko, napapaligiran ito ng Portugal sa timog, ang mga pamayanang awtonomo ng Castile at León at Asturias sa silangan, ang Karagatang Atlantiko sa kanluran, at ang Dagat Cantabrico sa hilaga. Mayroon itong populasyon na 2,701,743 noong 2018[4] at may kabuuang sukat na 29,574 km2 (11,419 mi kuw). Mayroon ang Galicia ng higit sa 1,660 km (1,030 mi) ng baybayin,[5] kabilang ang mga pulo at maliliit na pulong malayo sa pampang, kabilang sa mga ito ang Kapuluang Cíes, Ons, Sálvora, Pulo ng Cortegada, na pinagsama-sama ay binubuo ang Pambansang Liwasan ng mga Kapuluang Atlantiko ng Galicia, at ang pinakamalaki at pinakamatao, ang A Illa de Arousa.