Kaharian ng Israel (Samaria)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kaharian ng Israel o Hilagang Kaharian ng Israel o simpleng Kaharian ng Samaria(Hebreo: מַמְלֶכֶת יִשְׂרָאֵל, Moderno: Mamleḵet Yīsra'ēl, Tiberiano: Mamléḵeṯ Yīśrāʼēl) ay isang kaharian sa Sinaunang Israel noong panahong Bakal. Ayon sa Lumang Tipan ng Bibliya, ito ay isa sa dalawang kaharian na nagmula sa nakaraang umiral na Nagkakaisang Kaharian na pinamununuan nina David at Solomon. Ang historidad o pagiging totoo ng mga salaysay sa Bibliya tungkol sa kahariang ito ay patuloy na pinagdedebatihan ng mga iskolar at arkeologo.[2] Ang Kaharian ng Samaria ay winasak ng Imperyong Neo-Asiryo npong ca. 722- 720 BCE[3] kung saan pinatapon ni Haring Sargon II ng Assyria ang mga 27,290 mamamayan nito sa Mesopotamia.[4] Ang mga salaysay sa Lumang Tipan ay isinulat sa pananaw na teolohikal ng mga may-akda nito na isinulat noong mga ika-6 siglo BCE at karaniwan ay sobrang nabaluktot at sobrang malabis at lubos na maraming mga salungatan(2 Kronika at 1 at 2 Hari). Ayon sa may akda ng mga Mga Aklat ng mga Hari, ang pagkawasak ng Israel ay dahil sa kaparasuhan ng Diyos dahil sa kanilang kasamaan at politeismo. Dahil sa paglaho nito sa historikal na rekord, ito ang batayan ng paniniwala sa Nawalang Sampung Tribo ng Israel ngunit ang ilang arkeologo ay naniniwalang ang ilang mamamayan ay tumungo sa Judah.[5] Ang mga dayuhan ay pangkat ay pinaniniwalaan ng ilan na pinatira sa winasak na kaharian ng Samaria.[6]
Kaharian ng Israel Kaharian ng Israel sa Hilaga Kaharian ng Samaria 𐤉𐤔𐤓𐤀𐤋[1]
| |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
a 922 BCE o c. 930 BCE–c. 723 BCE o 721 BCE | |||||||||
Katayuan | Kaharian | ||||||||
Kabisera | |||||||||
Karaniwang wika | Hebreong Biblikal, Hebreong Israelita | ||||||||
Relihiyon | |||||||||
Pamahalaan | Monarkiya | ||||||||
King | |||||||||
• ca 922-901 BCE ayon kay Albright c. 931–910 BCE ayon kay Thiele | Jeroboam I (una) | ||||||||
• 732–721 ayon kay Albright 732 - 723 BCE ayon kay Thiele | Hoshea (last) | ||||||||
Panahon | Panahong Bakal | ||||||||
• Paghihimagsik ni Jeroboam I | a 922 BCE o c. 930 BCE | ||||||||
• Pagpapatapon sa Asirya | c. 723 BCE o 721 BCE | ||||||||
Kodigo sa ISO 3166 | IL | ||||||||
| |||||||||
Bahagi ngayon ng |