Luciano Pavarotti
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Luciano Pavarotti, Cavaliere di Gran Croce OMRI (pagbigkas sa wikang Italyano: [luˈtʃano pavaˈrɔtti]; 12 Oktubre 1935 – 6 Setyembre 2007) ay isang Italyanong operatikong tenor na tumawid sa popular music. Siya ay nagrecord ng mga kompletong opera at mga indibidwal aria na nakilala sa buong mundo sa kahusayan at ganda ng kanyang tono lalo na sa itaas na rehistro at naging isa sa pinakamagaling na tenor ng ika-20 siglo.[1][2]
Bilang bahagi ng The Three Tenors, si Pavarotti ay nakilala sa kanyang mga konsiyertong ipinalabas sa telebisyon. Siya ay kilala sa kanyan gmga pagawit at pagganap sa mga bel canto opera, pre-Aida Verdi at mga gawa ni Puccini gaya ng La bohème, Tosca, at Madama Butterfly. Si Pavarotti ay kilala rin sa kanyang charity sa ngalan ng mga refugee at Red Cross at iba pa. Siya ay namatay sa kanser sa pancreas noong 6 Setyembre 2007.