Palaro ng Timog Silangang Asya 2005
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ika-23 Palaro ng Timog Silangang Asya ay naganap sa Pilipinas noong 27 Nobyembre hanggang 5 Disyembre 2005. Nagsimula ang Football para sa kalalakihan noong Nobyembre 20, ang Water Polo noong Nobyembre 21, Football para sa kababaihan noong Nobyembre 23, Paglalayag. At Tennis noong Nobyembre 26.
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. (Nobyembre 2009) |
Motto | One Heritage, One Southeast Asia | ||
---|---|---|---|
Mga bansang kalahok | 11 | ||
Mga atletang kalahok | 5,336 | ||
Disiplina | 443 sa 40 disiplina | ||
Seremonya ng pagbubukas | 27 Nobyembre 2005 | ||
Seremonya ng pagsasara | 5 Disyembre 2005 | ||
Opisyal na binuksan ni | Gloria Macapagal-Arroyo Pangulo ng Pilipinas | ||
Panunumpa ng Manlalaro | Mikaela Cojuangco-Jaworski | ||
Panunumpa ng Hukom | Caesar Mateo | ||
Torch lighter | Maria Antoinette Rivero | ||
Main venue | Quirino Grandstand, Rizal Park | ||
Website | 2005 Southeast Asian Games | ||
|
Naibigay ang unang gintong medalya sa Singapore noong Nobyembre 25 ng manalo ang kuponan nito sa Water Polo, kasama ang kuponan nang mga Pilipinas na nagkamit ng medalyang pilak at medalyang tanso namana ang kuponan ng Malaysia.
Kinukunsidera ang mga Laro bilang isang kahangahangang pangyayari at isang mahalagang pagkakataon para sa mga atleta na magkaroon ng karanasan at paghahanda para sa darating na Asian Games at Olympic Games. Ang pagtibayin ang pagkakaibigan, pagkaisa at pagkakaunawaan ng mga bansa saTimog-silangang Asya ay ang nilalayon ng mga Larong ito.
Ito ang ikat-long pagkakataon na sa Pilipinas ito naganap, noong 1991 at 1981 ang huling dalawa. Bagaman nakisentro sa Maynila ang karamihan ng mga laro, nakakalat ang mga labanan sa sampo na mga iba pang lungsod sa bansa. Nakitang hindi pabor sa ibang mga kuponan ng ibang bansa ang gantong kalagayan na maaaring magkaroon ng mga problema sa akomodasyon at paglalakbay, isang mga pag-alala ng nakumpirma nang dumating sila.