Positron
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang tahasik (positron) o labandagisik (antielectron) ang antipartikulo o antimateryang kapilas(counterpart) ng dagisik. Ang positron ay may elektrikong kargang +1e, ikot na ½, at parehong masa katulad ng sa dagisik. Kapag ang mababang enerhiyang tahasik ay bumangga sa mababang enerhiyang elektron, ang anihilasyon ay mangyayari na magreresulta sa produksiyon ng dalawa o higit pang sinag gamma na photon. Ang mga tahasik ay maaaring likhain sa pamamagitan ng emisyong positron na radioaktibong pagkabulok sa pamamagitan ng mahinang interaksiyon o sa pamamagitan produksiyong pares mula sa sapat na enerhetikong photon.
Agarang impormasyon Komposisyon, Estadistika ...
Komposisyon | Elementaryong partikulo |
---|---|
Estadistika | Fermioniko |
Henerasyon | Una |
Mga interaksiyon | Dagsin, Dagitabbalani, Mahinang interaksiyon |
Simbolo | β+, e+ |
Antipartikulo | Dagisik |
Nag-teorisa | Paul Dirac (1928) |
Natuklasan | Carl D. Anderson (1932) |
Masa | 5.4857990943(23)×10−4 u[1] [1822.88850204(77)]−1 u[note 1] |
Elektrikong karga | +1 e 1.602176487(40)×10−19 C[1] |
Ikot | 1⁄2 |
Isara