Qufu
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Qufu (binibigkas bilang [tɕʰŷ ; Tsino: 曲阜) ay isang lungsod sa timog-kanlurang lalawigan ng Shandong , Silangang Tsina. Ito ay matatagpuan mga 130 kilometro (81 mi) timog ng kabesera ng probinsiya na Jinan at 45 kilometro (28 mi) hilagang-silangan ng luklukang prepektural sa Jining. Ang Qufu ay may lawak na 815 kilometro kuwadrado, at may kabuuang populasyon na 653,000 na naninirahan, kung saan, 188,000 ang nakatira sa mga urbanong lugar.[1][2]
Qufu 曲阜市 Kufow | |
---|---|
Antas-kondadong lungsod | |
Timog na tarangkahan ng Qufu | |
![]() Lokasyon sa Jining | |
Mga koordinado (Pamahalaang munisipal ng Qufu): 35°34′55″N 116°59′10″E | |
Country | Republikang Bayan ng Tsina |
Lalawigan | Shandong |
Antas-prepekturang lungsod | Jining |
Lawak | |
• Antas-kondadong lungsod | 815 km2 (315 milya kuwadrado) |
Taas | 65 m (214 tal) |
Populasyon (2017) | |
• Antas-kondadong lungsod | 653,000 |
• Kapal | 800/km2 (2,100/milya kuwadrado) |
• Urban | 188,000 |
Sona ng oras | UTC+8 (China Standard) |
Postal code | 273100 |
Qufu | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
![]() Ang "Qufu" sa mga Tsinong karakter | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Tsino | 曲阜 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Postal | Kufow | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | "Baluktot na Burol" | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Ang Qufu ay kilala bilang ang bayang sinilangan ni Confucio, na ayon sa tradisyon ay pinaniniwalaan na ipinanganak sa kalapit na Bundok Ni. Naglalaman ang lungsod ng maraming makasaysayang palasyo, templo, at sementeryo. Ang tatlong pinakatanyag na kultural na mga pook ng lungsod, na 三孔 samang kilala bilang San Kong (三孔; "ang Tatlong Confucianong [pook]", ay ang Templo ni Confucio (Tsino: 孔庙; pinyin: Kǒngmiào), ang Sementeryo ni Confucio (孔林; Kǒnglín), at ang Mansiyon ng Pamilya Kong (孔府; Kǒngfǔ). Magkasama, ang tatlong pook na ito ay nakatala bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO mula noong 1994.