San Luigi dei Francesi
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Simbahan ng San Luis ng mga Pranses (Italyano: San Luigi dei Francesi, Pranses: Saint Louis des Français , Latin: S. Ludovici Francorum de Urbe) ay isang Katoliko Romanong simbahan sa Roma, hindi kalayuan sa Piazza Navona. Ang simbahan ay alay kay Birheng Maria, kay San Dionisio Areopagita at San Louis IX, hari ng Pransiya. Ang simbahan ay dinisenyo ni Giacomo della Porta at itinayo ni Domenico Fontana sa pagitan ng 1518 at 1589, at nakumpleto sa pamamagitan ng personal na interbensiyon ni Catherine de 'Medici, na nag-abuloy dito ng ilang pag-aari sa lugar. Ito ang pambansang simbahan sa Roma ng Pransiya.[2][3] Ito ay isang simbahang titulo. Ang kasalukuyang Kardinal-Pari ng titulo ay si André Vingt-Trois, Arsobispo ng Paris.
Agarang impormasyon Simbahan ng San Luis ng mga Pranses, Relihiyon ...
Simbahan ng San Luis ng mga Pranses San Luigi dei Francesi (sa Italyano) Saint Louis des Français (sa Pranses) S. Ludovici Francorum de Urbe (sa Latin) | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Katoliko Romano |
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyon | Simbahang titulo, Pambansang Simbahan sa Roma ng Pransiya |
Pamumuno | Andre Vingt-Trois Mgr Patrick Valdrini[1] |
Lokasyon | |
Lokasyon | Piazza di S. Luigi de Francesi Italya, Roma |
Mga koordinadong heograpikal | 41°53′59″N 12°28′29″E |
Arkitektura | |
(Mga) arkitekto | Giacomo della Porta, Domenico Fontana |
Uri | Simbahan |
Istilo | Baroko |
Nakumpleto | 1589 |
Mga detalye | |
Direksyon ng harapan | Silangan 1518 |
Haba | 51 metro (167 tal) |
Lapad | 35 metro (115 tal) |
Lapad (nabe) | 14 metro (46 tal) |
Websayt | |
saintlouis-rome.net |
Isara