Ang sarsang sriracha ni Huy Fong ( // sih-RAH-chə; Ingles: Huy Fong's sriracha sauce, Thai: ศรีราชา, binibigkas [sǐːrāːtɕʰāː] ( pakinggan))[2] Biyetnames: Tương Ớt Sriracha), na tinatawag ding sriracha o rooster sauce dahil sa tandang sa etiketa nito, ay isang tatak ng sriracha, isang maanghang na sawsawan na nagmula sa Thailand. Ang sarsa ay gawa ng Huy Fong Foods, isang pabrikante sa California, at inilikha ito noong 1980 ni David Tran, isang Tsinong imigrante mula sa Vietnam.[3][4][5] May mga resipi sa ilang cookbook na gumagamit nito bilang pangunahing pampalasa.[6]
Agarang impormasyon Tương Ớt Sriracha, Kaanghangan ...
Tương Ớt Sriracha |
---|
Isang bote ng sarsang sriracha ni Huy Fong (na may naka-trademark na logo ng tandang na pixelated) |
Kaanghangan | Katamtaman |
---|
Sukatang Scoville | 1,000-2,500[1] SHU |
---|
Isara
Agarang impormasyon Pangalang Tsino, Tradisyunal na Tsino ...
Isara
Madali itong mahalata dahil sa matingkad na kulay pula at lalagyan nito: isang malinaw na boteng plastik na may berdeng takip, teksto sa Biyetnames, Ingles, Tsino, at Kastila, at ang logo ng tandang. Ang logo ay tumutukoy sa Taon ng Tandang sa Tsinong sodyak, dahil ipinanganak si David Tran noong 1945.[5][7] Naka-trademark ang berdeng takip at logo ng tandang, ngunit kinokonsidera ng U.S. Patent and Trademark Office ang "sriracha" bilang panlahatang termino.[8]