Siling Aleppo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang siling Aleppo (Arabe: فلفل حلبي / ALA-LC: fulful Ḥalabī) ay isang uri ng siling may anghang na 10,000 SHU.[1][2] Isa itong uri ng Capsicum annuum na ginagamit bilang pampaanghang sa lutuin sa Gitnang Silangan at Mediteraneo. Tinatawag din itong siling Halaby.[3] Nagsisimula ito bilang supot ng buto tapos nahihinog at nagiging kulay burgundy, at pagkatapos, ito ay medyo pinapatuyo, tinatanggalan ng buto pagkatapos ay dinudurog o magaspang na gingiling.[4] Ang taliptip ng sili ay kilala sa Turkey bilang pul biber, at sa Armenia bilang Haleb biber. Ipinangalan ang sili sa Aleppo, isang lungsod sa Daan ng Sutla sa hilagang Syria, at tinatanim ito sa Syria at Turkey.
Agarang impormasyon Aleppo pepper, Espesye ...
Aleppo pepper | |
---|---|
Espesye | Capsicum annuum |
Pinagmulan | Aleppo, Syria |
Kaanghangan | Katamtaman |
Sukatang Scoville | 10,000 SHU |
Isara