Unibersidad ng Hohenheim
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unibersidad ng Hohenheim (Aleman: Universität Hohenheim) ay isang pamantasang matatagpuan sa katimugang bahagi ng Stuttgart, Alemanya. Itinatag noong 1818, ito ang pinakamatandang unibersidad sa Stuttgart. Kilala ito sa mga larangan ng agrikultura at likas na agham. Ngayon, karamihan sa mga mag-aaral dito ay nakatala sa isa sa mga programang inaalok ng mga fakultad ng negosyo, ekonomiks at agham panlipunan. Ang mga guro dito ay regular na naranggo na kabilang sa mga pinakamahusay sa bansa.[1]