Wikang Swahili
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang wikang Swahili o Kiswahili (salinwika: wika ng mga taong-Swahili) ay isang pamilyang wikang Bantu at ang paunahing wika sa taong Swahili. Ito ay isang lingua franca ng rehiyon ng Dakilang Lawa ng Aprika at ilang bahagi ng silangan at timog-silangang Aprika na kagaya ng Kenya, Tanzania, Uganda, Rwanda, Burundi, mga ilang bahagi ng Malawi, Somalia, Zambia, Mozambique at ang Demokratikong Republika ng Congo (DRC).[6] Ang Komoryano na sinasalita sa Kapuluang Comoros, ay itinuturing minsan bilang diyalekto ng Swahili, ngunit itinuturing ito ng mga ibang awtoridad bilang natatanging wika.[7]
Swahili | |
---|---|
Kiswahili | |
Katutubo sa | Tanzania, Democratic Republic of the Congo, Kenya, Mozambique (marami sa Mwani), Burundi, Rwanda, Uganda,[1] Comoros, Mayotte at sa ilang lugar ng Zambia, Malawi, Madagascar, at sa Timog Sudan |
Mga natibong tagapagsalita | 2 milyon[2][3] hanggang 15 milyon (2012)[4] L2 speakers: 50 hanggang 100 milyon[2] |
Niger–Congo
| |
panitikang Latin (alpabetong Romanong Swahili), Panitikang Arabe (alpabetong Arabeng Swahili) Braille ng Swahili | |
Opisyal na katayuan | |
Tanzania, Kenya, Demokratikong Republika ng Congo, Uganda, Comoros, African Union, East African Community | |
Pinapamahalaan ng | Baraza la Kiswahili la Taifa (Tanzania), Chama cha Kiswahili cha Taifa (Kenya) |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | sw |
ISO 639-2 | swa |
ISO 639-3 | swa – inclusive codemGa indibidwal na kodigo: swc – Wikang Kongong Swahili swh – Wikang Baybaying Swahili ymk – Wikang Makwe wmw – Wikang Mwani |
Glottolog | swah1254 |
Kodigong Guthrie | G.42–43; [5] |
Linguasphere | 99-AUS-m |
Mga lugar na may mananalita ng wikang Swahili o Komoryano ay ang katutubong wika,
opisyal o pambansang wika,
ay ang trade language. Bilang sa trade language, ang wikang Swahili ay nagpapalawig pa sa mas malayo pang kaunti hanggang sa hilagang-kanluran.[kailangan ng sanggunian] | |
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA. |
Hindi alam at pinagtataluhan ang eksaktong bilang ng mga nananalita ng Swahili, maaaring ito'y katutubong nananalita o nananalita bilang ikalawang wika. Iba't ibang tantya ang iniharap at lubhang nagkakaiba sila, mula 100 milyon hanggang 150 milyon.[2] Nagsisilbi ang Swahili bilang pambansang wika ng DRC, Kenya, Tanzania, at Uganda. Shikomor, ang wikang opisyal ng Comoros at sinasalita rin sa Mayotte (Shimaore), ay may kaugnayan sa Swahili.[8] Ang Swahili ay isa rin sa mga pantrabahong wika ng Unyong Aprika at opisyal na kinikilala bilang lingua franca ng Pamayanang Silangang Aprika.[9] Noong 2018, ginawang legal ng Timog Aprika ang pagtuturo ng Swahili sa mga Timog Aprikanong paaralan bilang opsyonal na asignatura na sisimulan sa 2020.[10]
May makabuluhang bahagi ng talasalitaan ng Swahili ang nanggagaling sa Arabe,[11] na bahagyang ipinapahiwatig ng mga Muslim na nananalita ng Arabe. Halimbawa, ang salitang Swahili para sa "aklat" ay kitabu, na matutunton sa salitang Arabe كتاب kitāb (mula sa ugat K-T-B "magsulat"). Gayunman, ang maramihang anyo sa Swahili ng salitang ito ("mga aklat") ay vitabu, sa halip ng maramihang anyo sa Arabe كتب kutub, na sumusunod sa bararilang Bantu kung saan ki- ay inaanalisa muli bilang makangalang unlapi, at ang kanyang pangmaramihan ay vi-.[12]