Aklat ni Enoch
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Aklat ni Enoch (o 1 Enoch)[1] ay isang sinaunang kasulatang panrelihiyon na Hudyo na tradisyonal na itinuturo kay Enoch na lolo sa tuhod ni Noe. Ito ay hindi bahagi ng kanon ng Hudaismo maliban sa Beta Israel. Ito ay tinuturing na kanon sa Simbahang Etiopianong Ortodoksong Tewahedo ngunit hindi sa ibang mga pangkat na Kristiyano. Ang mas matandang mga seksiyon (pangunahin sa Aklat ng mga Tagamasid) ay tinatayang mula 300 BCE at ang pinakahuling bahagi (Aklat ng mga Talinghaga) ay malamang na nilikha sa wakas ng unang siglo BCE.[2] Ito ay buong umiiral sa wikang Ge'ez na may mga pragmentong Aramaiko mula sa Mga skrolyo ng Patay na Dagat at ilang mga pragmentong Griyego at Latin. Dahil dito at iba pang mga dahilan, ang tradisyonal na pananaw na Etiopiano ay ang orihinal na akda ay Ge'ez samantalang ang mga hindi-Etiopianong skolar ay naniniwalang ito ay unang isinulat sa Aramaiko o Hebreo. Iminungkahi ni E. Isaac na ang Aklat ni Enoch tulad ng Aklat ni Daniel ay parsiyal na nilikha sa Aramaiko at parsiyal sa Hebreo.[3]:6 Ang isang maikling seksiyon ng 1 Enoch 1:9 ay sinipi sa Sulat ni Judas 1:14-15. Ikinatwirang ang mga may akda ng Bagong Tipan ay pamilyar sa nilalaman ng kuwento at naimpluwensiyahan nito.[4]