From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Alexander Graham Bell (3 Marso 1847 – 2 Agosto 1922) ay isang siyentipiko at imbentor. Ipinanganak at lumaki siya sa Scotland. Lumipat siya sa Canada noong 1870,[1] at noong sumunod na taon ay lumipat naman sa Estados Unidos. Kilala si Bell sa paggawa at pagpapatente ng telepono ngunit marami rin ang gumawa ng iba pang mga uri ng telepono, na bukod pa sa kaniyang uri. Maliban sa kaniyang trabaho sa telekomunikasyon, responsable rin siya sa pagpapaunlad ng teknolohiyang panghimpapawid at iyong may kaugnayan sa hydrofoil.
Alexander Graham Bell | |
---|---|
Kapanganakan | 3 Marso 1847 Edinburgh, Scotland, Nagkakaisang Kaharian |
Kamatayan | 2 Agosto 1922 75) Beinn Bhreagh, Nova Scotia, Kanada | (edad
Dahilan | Diabetes |
Edukasyon | University of Edinburgh University College London |
Trabaho | Imbentor, Siyentipiko, Inhinyero, Dalubhasa (Pamantasan ng Boston), Guro ng mga Bingi |
Kilala sa | Pag-imbento ng telepono |
Asawa | Mabel Hubbard (kasal 1877–1922) |
Anak | (4) Dalawang anak na lalaki ang namatay noong sanggol pa at dalawang anak na babae |
Magulang | Alexander Melville Bell[1] Eliza Grace Symonds Bell |
Kamag-anak | Gardiner Greene Hubbard (Biyenan) Gilbert Hovey Grosvenor (Manugang) Melville Bell Grosvenor (Apo) |
Pirma | |
Ang kaniyang interes sa aparatong elektrikal at mekanikal upang matulungan ang mga taong mayroong kahinaan sa pandinig ang naghantong sa pagkaimbento, pagpapaunlad at pagpapatente niya ng telepono.[2]
Ipinanganak si Bell sa Edinburgh noong 3 Marso 1847. Siya ang panggitna sa tatlong magkakapatid na pawang mga lalaki. Ang kaniyang mga kapatid ay namatay dahil sa tuberkulosis. Ang mga magulang niya ay sina Propesor Alexander Melville Bell at si Eliza Grace Symonds Bell. Sa edad na labing-isa, isinama niya sa kaniyang pangalan ang Graham, dahil sa paghanga niya sa isang kaibigan ng pamilya na ang pangalan ay Alexander Graham. Kilala si Bell sa palayaw na "tatay ng mga bingi". Ang ina at ang asawa ni Bell ay kapwa mga bingi, kaya ninais niyang mawala ang kabingihang namamana.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.