Angeles
lungsod ng Pilipinas / From Wikipedia, the free encyclopedia
Tungkol sa lungsod sa Pilipinas ang artikulo na ito. Para sa ibang gamit, tingnan ang Angeles (paglilinaw).
Ang Lungsod ng Angeles (Kapampangan: Ciudad ning Angeles/Lakanbalen ning Angeles) ay isang Unang Klaseng lungsod sa lalawigan ng Pampanga, Pilipinas. Labing-anim (16) na kilometro lamang ang layo nito sa kabisera ng Pampanga o Lungsod ng San Fernando. Walumpu't-tatlong (83) kilometro naman ang layo ng Angeles sa Maynila. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 462,928 sa may 116,343 na kabahayan.
Agarang impormasyon Angeles Lungsod ng Angeles, Bansa ...
Angeles Lungsod ng Angeles | |
---|---|
![]() Ang Lungsod ng Angeles noong 2012 | |
![]() Mapa ng Pampanga na nagpapakita sa lokasyon ng Lungsod ng Angeles. | |
![]() | |
Mga koordinado: 15°08′50″N 120°35′05″E | |
Bansa | ![]() |
Rehiyon | Gitnang Luzon (Rehiyong III) |
Lalawigan | Pampanga <small< (Heograpiya lamang) |
Distrito | Unang Distrito ng Pampanga |
Mga barangay | 33 (alamin) |
Pagkatatag | 1796 |
Ganap na Lungsod | 1 Enero 1964 |
Pamahalaan | |
• Punong Lungsod | Carmelo G. Lazatin Jr. |
• Manghalalal | 205,822 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 60.27 km2 (23.27 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 462,928 |
• Kapal | 7,700/km2 (20,000/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 116,343 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod |
• Antas ng kahirapan | 1.50% (2021)[2] |
• Kita | ₱2,606,215,537.60 (2020) |
• Aset | ₱6,732,463,813.01 (2020) |
• Pananagutan | ₱2,151,818,398.58 (2020) |
• Paggasta | ₱2,158,062,011.65 (2020) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigong Pangsulat | 2009 |
PSGC | 035401000 |
Kodigong pantawag | 45 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | Wikang Kapampangan wikang Tagalog Wikang Antsi |
Websayt | angelescity.gov.ph |
Isara
Nagsimulang lumago ang Lungsod ng Angeles nang itinatag ang Baseng Pamhimpapawid sa Clark (Base Militar sa Clark) o Clark Air Base pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa sa kilalang palatandaan ang Baseng Pamhimpapawid (Base Militar) sa Lungsod ng Angeles.