Ingles pangkat ng musikal From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Arctic Monkeys ay isang grupo ng mga musikero na nabibilang sa hilera ng musikang rock na binuo noong taon-2002 sa Sheffield. Ang mga miyembro ng grupo ay sina Alex Turner (pangunahing manganganta, gitara, piano), Matt Helders (dram, manganganta), Jamie Cook (gitara, teklado) at Nick O'Malley (bass guitar, manganganta). Si Andy Nicholson (bass guitar, manganganta), dating miyembro ng banda, ay umalis sa noong taon-2006 matapos ilabas ang kanilang debut album.
Artic Monkeys | |
---|---|
Kabatiran | |
Kilala rin bilang | Death Ramps |
Pinagmulan | Sheffield, England |
Genre |
|
Taong aktibo | 2002-kasalukuyan |
Label |
|
Miyembro |
|
Website | arcticmonkeys.com |
Ang banda ay nakapaglabas na ng anim na studio album: Whatever People Say I Am, That's What I'm Not (2006), Favourite Worst Nightmare (2007), Humbug (2009), Suck It and See (2011), AM (2013), at Tranquility Base Hotel & Casino (2018), at isang live album At the Apollo (2008). Ang kanilang debut album ay ang pinakamabilis na bumenta sa kasaysayan ng UK Chart, at sa taong 2013, ito ay itinalaga ng Rolling Stone bilang ika-30 sa mga pinakamahusay na debut album.
Ang banda ay nanalo na ng pitong Brit Awards - sa mga kategoryang Best British Group at Best British Album ng tatlong beses, at na-nominate para sa limang Grammy Awards.[1][2] Napanalunan din nila ang Mercury Prize noong 2006 para sa kanilang debut album, bukod pa sa mga natanggap nilang mga nominasyon noong mga taong-2007, 2013 at 2018.[3] Ang banda ay ang naging pangunahing banda sa Glastonbury Festival nang dalawang beses, noong taong-2007 at muli noong taong-2013.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.