From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang arkitekturang Estalinista,[1] karamihan ay kilala sa dating Silangang Bloke bilang estilong Estalinista (Ruso: Сталинский стиль, romanisado: Stalinskiy stil′) o Sosyalistang Klasisismo, ay ang arkitektura ng Unyong Sobyetiko sa ilalim ng pamumuno ni Iosif Stalin, sa pagitan ng 1933 (nang opisyal na inaprubahan ang borador ni Boris Iofan para sa Palasyo ng mga Sobyetiko) at 1955 (nang kinondena ni Nikita Khrushchev ang "mga labis" ng nakalipas na mga dekada at binuwag ang Sobyetikong Akademya ng Arkitektura). Ang arkitekturang Estalinista ay nauugnay sa paaralang sosyalistang realismo ng sining at arkitektura.
Bilang bahagi ng patakarang Sobyetiko sa rasyonalisasyon ng bansa, ang lahat ng mga lungsod ay binuo sa isang pangkalahatang plano sa pag-unlad. Ang bawat isa ay nahahati sa mga distrito, na may mga pamamahagi batay sa heograpiya ng lungsod. Ang mga proyekto ay idinisenyo para sa buong distrito, na kitang-kita ang pagbabago sa imahe ng arkitektura ng lungsod.
Ang pakikipag-ugnayan ng estado sa mga arkitekto ay magpapatunay na isa sa mga tampok ng panahong ito. Ang parehong gusali ay maaaring ideklarang isang pormalistang kalapastanganan at pagkatapos ay makatanggap ng pinakamalaking papuri sa susunod na taon, tulad ng nangyari kay Ivan Zholtovsky at sa kaniyang Bolshaya Kaluzhskaya noong 1949–50. Ang mga tunay na estilo tulad ng Neorenasimyento ni Zholtovsky, San Petersburgo na arkitekturang Neoklasiko ni Ivan Fomin at Art Deco na paghalaw nina Alexey Dushkin at Vladimir Shchuko ay kasama ng mga imitasyon at eklektisismo na naging katangian ng panahong iyon.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.