From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Sri Lankabhimanya Sir Arthur Charles Clarke, CBE, FRAS (16 Disyembre 1917 – 19 Marso 2008) ay isang Britanikong may-akda ng kathang-isip na salaysaying pang-agham (siyensiyang piksiyon), imbentor, at puturista o makahinaharap, na pinakabantog dahil sa nobelang 2001: A Space Odyssey, na isinulat kasama ang direktor na si Stanley Kubrick, isang pagtutulungang nagbunsod din ng pelikulang may ganito ring pangalan; naging tagapagpasinaya at mamumuna o komentador din siya sa Britanikong seryeng pangtelebisyong Arthur C. Clarke's Mysterious World.[4][5] Kasama sina Robert A. Heinlein at Isaac Asimov, kinilala siya bilang isa sa "Big Three" o Malalaking Tatlo ng piksiyong pangsiyensiya. Tumira si Clarke sa Sri Lanka mula noong 1956 hanggang sa kamatayan niya noong 2008. Isang nobela niyang The Fountains of Paradise (1979) tungkol sa elebador na pang-espasyo ay alusyon sa Sri Lanka.
Arthur C. Clarke | |
---|---|
Kapanganakan | 16 Disyembre 1917[1]
|
Kamatayan | 19 Marso 2008[2] |
Mamamayan | United Kingdom |
Nagtapos | King's College London |
Trabaho | imbentor, screenwriter, nobelista, manunulat ng science fiction, eksplorador, manunulat,[3] pisiko, manunulat ng non-fiction |
Pirma | |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.