Baluwarte
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang baluwarte o kaagusilan (Ingles: bailiwick, Espanyol: bailiaje) ay isang teritoryong lugar na pinamamahalaan ng isang agusil (bailiff, mula sa salitang alguacil ng Espanyol).[1][2] Ito rin ang ginagamit na kataga sa isang teritoryo o lugar na kung saan ang tungkuling pulisya ay ginagampanan ng hinirang na agusil na ayon sa utos ng monarkiya o imperyo.
Sa Pilipinas, tumutukoy din ang salitang "baluwarte" sa lugar kung saan naroon ang kapisanan ng nagsisiboto (voting constituency) ng isang politiko, lalo na kapag malakas ang kaniyang impluwensiya sa lugar na iyon.