Ang Timog Aprika,[8] opisyal na Republika ng Timog Aprika, ay isang bansa na matatagpuan sa katimugang dulo ng kontinente ng Aprika. Matatagpuan sa hilaga ang mga bansang Namibia, Botswana at Zimbabwe; sa silangan ay Mozambique at Eswatini; at sa loob nito matatagpuan ang Lesotho.[9]
Republika ng South Africa
| |
---|---|
Salawikain: "!ke e: ǀxarra ǁke" (ǀXam) "Unity in Diversity" | |
Awiting Pambansa: Pambansang awit ng Timog Aprika | |
Kabisera |
|
Pinakamalaking lungsod | Johannesburg (2006)[2] |
Wikang opisyal | [Note 1] |
Pangkat-etniko |
|
Katawagan | Timog Aprikano |
Pamahalaan | Constitutional parliamentary republic |
• Pangulo | Cyril Ramaphosa |
Lehislatura | Parlamento |
• Mataas na Kapulungan | National Council of Provinces |
• Mababang Kapulungan | National Assembly |
Kalayaan mula sa United Kingdom | |
• Unyon | 31 Mayo 1910 |
• Statute of Westminster | 11 Disyembre 1931 |
• Republika | 31 Mayo 1961 |
Lawak | |
• Kabuuan | 1,221,037 km2 (471,445 mi kuw) (ika-25) |
• Katubigan (%) | negligible |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2014 | 54,002,000[4] (ika-25) |
• Senso ng 2011 | 51,770,560[3]:18 |
• Densidad | 42.4/km2 (109.8/mi kuw) (ika-169) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2014 |
• Kabuuan | $623.201 billion[5] (ika-25) |
• Bawat kapita | $11,914[5] (ika-82) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2014 |
• Kabuuan | $371.211 billion[5] (ika-33) |
• Bawat kapita | $7,096[5] (ika-83) |
Gini (2009) | 63.1[6] napakataas |
TKP (2013) | 0.658[7] katamtaman · 118th |
Salapi | Rand ng Timog Aprika (ZAR) |
Sona ng oras | UTC+2 (SAST) |
Gilid ng pagmamaneho | kaliwa |
Kodigong pantelepono | +27 |
Kodigo sa ISO 3166 | ZA |
Internet TLD | .za |
- Tungkol sa bansang Timog Aprika ang artikulong ito. Para sa rehiyon, tingnan ang Katimugang Aprika.
Isa sa may pinakamaraming pangkat etniko sa kontinente ng Aprika ang Timog Aprika. Dito ang pinakamaraming Europeo na nasa Aprika, pinakamaraming populasyon na Indiano, gayon din ang pinakamalaking kumunidad ng halong etnisidad (ng pinaghalong Europeo at Aprikano). Naging malaking bahagi ng kasaysayan at politika ng bansang ito ang pakikipaglaban sa lahi at etnisidad sa pagitan ng mga nakakaraming itim at iilang puti. Nagsimulang ipakilala ng National Party ang patakaran ng apartheid matapos nitong manalo noong eleksiyon ng 1948; bagaman, ang partidong din na iyon sa ilalim ng pamumuno ni F.W. de Klerk ang nagsimulang pira-pirasuhin ito noong 1990 pagkatapos ng mahabang pakikipaglaban ng mga nakararaming itim, gayon din ng maraming puti, halong etnisidad at mga Timog Aprikanong Indiyano.
Ang bansang ito ang isa sa mga bansa sa Aprika na hindi nagkaroon ng kudeta, at regular na malaya at walang kinikilingang halalan na ginaganap noong pang 1994. Dahil dito ang bansang ito ang makapangyarihan sa rehiyon at isa sa pinakamatatag at pinaka-liberal na demokrasya sa Aprika. Ang ekonomiya ng Timog Aprika ang pinakamalaki at masulong sa buong kontinente ng Africa, kasama ang makabagong imprastraktura na karaniwan sa buong bansa.
Heograpiya
Matatagpuan ang Timog Aprika sa pinakatimog na bahagi ng Aprika, na may mahabang baybay-dagat na may habang higit sa 2,500 km (1,553 mi). Sa sukat na 1,219,912 km2 (471,011 mi kuw),[10], Ang Timog Aprika ang naging ika-25 pinakamalaking bansa sa daigdig at mahihahambing sa laki ng bansang Colombia.
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.