Castel Gandolfo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Castel Gandolfo (NK /ˌkæstɛl ɡænˈdɒlfoʊ/,[4] EU /kɑːˌstɛl ɡɑːnˈdoʊlfoʊ,_ʔˈdɔːlʔ/,[5][6] Italyano: [kaˈstɛl ɡanˈdolfo] ; Latin: Castrum Gandulphi), karaniwang tinatawag na Castello lamang sa mga diyalekto ng Castelli Romani, ay isang bayan na matatagpuan 25 kilometro (16 mi) timog-silangan ng Roma sa Italyanong rehiyon ng Lazio.[7] Sakop ang mataas na bahagi ng Kaburulang Albano tinatanaw ang Lawa Albano, ang Castel Gandolfo ay may populasyon na humigit-kumulang na 8,900 na residente at itinuturing na isa sa mga pinakamagagandang bayan sa Italya.[8]
Castel Gandolfo | |
---|---|
Città di Castel Gandolfo | |
Ang bayan ng Castel Gandolfo tanaw ang Lawa Albano | |
Mga koordinado: 41°44′49″N 12°39′07″E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Lazio |
Kalakhang lungsod | Roma |
Mga frazione | Mole di Castel Gandolfo, Pavona |
Pamahalaan | |
• Mayor | Milvia Monachesi[1] |
Lawak | |
• Kabuuan | 14.19 km2 (5.48 milya kuwadrado) |
Taas | 426 m (1,398 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[3] | |
• Kabuuan | 8,922 |
Demonym | Castellani |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 00040 |
Kodigo sa pagpihit | 06 |
Santong Patron | San Sebastiano |
Saint day | Enero 20 |
Websayt | Opisyal na website |
Sa loob ng mga hangganan ng bayan matatagpuan ang Apostolikong Palasyo ng Castel Gandolfo na nagsilbing paninirahan tuwing tag-init at bakasyon para sa Papa, ang pinuno ng Simbahang Katolika. Bagaman ang palasyo ay matatagpuan sa loob ng mga hangganan ng Castel Gandolfo, mayroon itong katayuang ekstrateritoryal bilang isa sa mga pagmamay-ari ng Banal na Luklukan at wala sa ilalim ng hurisdiksiyon ng Italya. Bukas ito ngayon bilang isang museo.
Pinagmulan ng pangalan
Ang toponimo na "Castel Gandolfo" ay karaniwang hinango sa Latin na "Castrum Gandulphi",[9] pangalan ng kastilyo na maaaring pag-aari sa site na ito ng pamilya Gandolfi, marahil ay nagmula sa Genova.[10]
Tingnan din
- Kaburulang Albano
- Pavona
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.